@kriscandy nagpa-ship kami ng mga 7boxes sa singpost. 2boxes don para sa collection namin like gundam, starwars at mga face mask. Wala naman naging problem basta pinagsama-sama lang namin sa box lalo na yung face mask kasi may mga wooden mask kami so kung ma-quarantine sila pagdating sa OZ at least isang box lang ang magtagal at yung iba ma-go parin. luckily sabay-sabay naman dumating ang boxes namin at walang na-quarantine. ginamit namin sa singpost is yung 20kg/box kasi yun lang ang max weight para sa sea trasnport. yung box, kung san-san lng kami kumuha, kasi maliit yung sa singpost at mahal pa.
@ms_ane sobrang yngat lang sa pag-pack ng mga gundam, kasi yung samin sobrang yngat na ng impake namin at may bubble wrap and styro pa kami for protection pra sa every layer pero may mga nabali pa din na parts kaya pagdating dito ang dami namin dinikit, tapos gamit namin pandikit yung parang mighty bond at hindi talaga yung pang-gundam, tinapon na kasi namin lahat ng paint at liquid chemical na gamit namin pang-gundam para sigurado na hindi ma-quarantine yung box namin.