Hello, good morning everyone. Bago lang din po ako dito, and Mag-start pa lang kami ng partner ko ng application, and i have a couple of questions po regarding dito:
Ang stage po namin ngayon, papa-assess pa lang: Partner Visa ang kunin namin.
1.) Required po ba yung payslips? Yung partner ko kasi, matagal na siya dun sa previous job nya, more than 10 years siya nag-stay. Mukhang malabo na ma-complete namin yung payslip every year. May COE naman siya, pero gusto sana namin dagdag pa din yung payslips if ever.
2.) nasa 40's na po yung partner ko, though di pa naman sa age limit, kaya nag-apply na kami para di maabutan ng 45. May chance pa po ba? Though aware naman kami na liliit yung points.
3.) Kapag mag-claim ng partner points, kailangan ko din po ba magpa-assess? and advisable po ba na mag-claim ng partner points? di naman po ako skilled worker. though may ample work experience naman din po ako for more than 10 years, plus may sarili din pong business.
Thanks in advance po