hello po. hingi ako ng advise. nasa process pa kami ng pagkuha ng medical and pcc pero while inaasikaso yun, nagbbudget narin at nagdedecide kung isasama na namin ang anak namin habang kami ay naghahanap ng work. Hindi kasi namin option magasawa na mauna dun ang isa samin. So ang 2 options lang is either mauna kaming magasawa or buong pamilya na kami lilipat. I think in terms of cost, halos same lang ang 2 options. And preference ko talaga is buo kami pupunta. Pero I may be missing something. Paki advise naman po, if you were in our case kung ano ang gagawin nyo. Thanks.
Option 1: kami muna, habol nalang si baby (2yrs old sya by the time lilipat kami)
+: flexible accommodation and no schedule constraint, kahit pauli ulit ang ulam ok lng.
- : nde kami makaka claim ng benefits, kelanganan magremit para sa budget ni baby sa pinas.
Option 2: buong pamilya
+: magkakasama kami, can claim benefits
- : pressure maghanap ng work, baka mahirap makakuha ng slot sa childcare, added cost ng childcare although my rebate naman