@MemaHaj said:
Hey i would like to know the intial steps
Share ko lang po step by step sa pagtake ko ng KAPS exam
Gumawa ako ng Australian pharmacy council account, then nagupload ako dun ng mga documents ko para maassess nila. Nasa 30k to 50k mahigit ung assessment, iveverify nila yun sa school, sa PRC, lahat ng credentials mo kaya mahal. (Take note may mga list of school lang sila na tinatanggap) school or uni kung saan ka grumaduate. Hindi ko lang sure sa ngayon, since paiba iba naman ng rules
May email ka matatanggap na nagsasabi na pwede ka na magbook ng KAPS exam
KAPS exam (knowledge assessment of pharmaceutical sciences) so paper 1 and paper 2 ang tawag sa dalawang parts ng exam, each part ng exam, subcategorized pa sya sa ilang mga subjects.
Ikaw mamimili kung ano date ng preferred mo na exam month, twice a year lang nila usuallu ganapin minsan three times.
By the way, nasa 80k napo ung per take ng exam.
Yung mga subjects sa exam igoogle nio na lang po,may syllabus sila dun.
So for sure itatanong nio kung paano pag bumagsak sa paper 1, bagsak naba rin ung paper 2?
Answer is no. Pwede mo iretake ung paper 1 pag binagsak mo pero 80K ulit ang babayaran mo.
What if na-late ka on the day of exam. Well, kung una mo itatake is paper 1 on that day at late ka,automatic failed ka na dun.
Minsan sa ibat ibang araw tinatake ung parehas na paper. Lets say day 1 paper 1 tapos kinabukasan naman ung isa.
Books na kailangan
For paper 1 , comprehensive pharmacy review by lippincott , any pharmaceutical chemistry book, APF and AMH
Paper 2 pharmaceutical calculation, apf and amh.
APF and AMH meron mabbili thru online. Sa ebay.
Pero may electronic copy ako ng lumang APF.
Join din kayo ng mga facebook group, very helpful.
After ng exam, mga a month halos bago lumabas ung result. So next naman english exam, PTE ang tinake ko kase mas madali. Pati result mabilis.
May sponsor ako kase nirekomenda ako ng friend ko, so nag asikaso ng visa ko eh ung migration agent nila.
After ko pumasa ng exam nagregister nako sa Ahpra after ko masecure na may sponsor nako.
Sa migration agent, may pwede rin ako mairecommend pagka kaps exam passer na kyo.
Although as of now diko pa alam ano state ng migration dahil sa covid 19.