I just wanna share my PTE journey baka makatulong din. Una, THANK YOU sa forum na ito for the tulong at tips na nagamit ko sa self-training/self-review for PTE.
Salamat sa templates provided ni @Heprex dated 2017 pa yung post nya na yun pero 2019 na effective pa din sya.
Credits din sa Youtube Vids ni Sonny English at yung sa E2 Language pati na din dun sa mga Exam Material Mock Test Practice Test sa YT (careercoves pte, v2 language pte prep at marami pang iba). Malaking tulong talaga.
Friendly Tip: Eto sabi sakin ng kaibigan ko, ARTEHAN mo lang ang pag-enunciate ng words pag nagsasalita. Feeling ko nga mas nirerecognize ni computer pag MALINAW at MAY KONTING ARTE.
Sa selfreview: Nagfocus ako sa Describe Image, Retell Lecture at Write Essay.
IMPORTANT: PRACTICE + PRAYERS!
DURING THE EXAM: Nakakabobo yung reading. nung binabasa ko na yung paragraph, naintindihan ko naman per sentence pero parang di ko nagegets pinaglalaban nung material. Keywords at gut feel na lang since ginamit ko para masagot questions. Hindi din ako nagpractice training masyado sa reading kasi wala na time.
AFTER THE EXAM: feeling ko medyo sablay ako sa reading tasks dahil dun sa mga multiple/single answer while konting damages sa speaking part kasi may mga pauses, stutters, at uhmms ako. May mga maling basa din ako kahit dun sa Read Aloud. Sa Writing tasks I thought I did okay. Naoverlook ko din yung listening talaga. May at least 2 items ako na sure ko na namiss ko or konting words lang naalala ko sa repeat sentence at write from dictation. Again focus at attention span problema ko.
SELF-ASSESSMENT: Feeling ko naman I did OK sa tasks considering na first time ko magtake ng any English Assessment Test. PTE-virgin.
GOAL: at least maka-65 on each communicative skills
EXPECTATION: Mukha namang makaka-65 pero nagcoconsider din ng possibility na unexpected sablay dahil sa inconsistent focus ko.
ACTUAL RESULT:
OVERALL SCORE: 85
••••••••••••••••••••••••••••••
Listening: 77
Reading: 89
Speaking: 90
Writing: 80
••••••••••••••••••••••••••••••
Enabling Skills:
Grammar: 90
Oral Fluency: 90
Pronunciation: 90
Spelling: 85
Vocabulary: 87
Written Discourse: 90
AT SA HULI, DASAL LANG TALAGA ANG NAGDALA. MARAMING SALAMAT.