@audreamer
Ay opo ata basta po andun sa licence yun year na first ka na-issue-han ng licence. Hindi ko kasi hawak yun Phils licence ko ngaun kaya hindi ko na-check, hehe. Pero basta andun po yun sa licence #. Thanks po sa correction.
@kenkoy
Opo wala po problema kahit po after ng 3rd, or kahit after 1 year ka po mag-attempt ng driving test. Ang mawawala lang naman po after ng 3rd month mo here is yun privilege mo na makapag-drive dito sa NSW. Ako kasi lagpas 4 months pa kasi nga po bumagsak ako sa 1st take ko sa driving test.
Ang nadale ako sa observation checks, dapat po talaga basahin yun manual. Always check blind spots, kapag meron pedestrian lane, and crossing traffic lights, and leaving the kerb, etc. After I failed the first time, nag-enroll ako sa driving instructor.
NOTE: After mo mag-attempt the first time ng driving test and bumagsak ka, bibigyan ka L licence. Bibigyan ka din nun L sign na ilalagay sa kotse, makakapag-drive ka pa din pero dapat accompanied ng meron full licence. Tapos papapirmahan ka ng document na inaalis yun rights mo na gamitin yun Phils licence mo. Ilalagay din nila sa records nila yun. Next time mag-attempt ka at pumasa ka na, full licence agad. ๐ Badtrip lang dyan, doble bayad mo so A$50++ times 2. Hehe. Also, pwede ka magpa-schedule ng driving test ng Sabado, para sa mga hindi nakakaalam. Yun nga lang 2 months ahead fully booked na, so if hindi ka nagmamadali and ayaw mo mag-leave ng weekdays pwede ka dun. ๐
Tip again.. for driving test. Sasabihin ni inspector ang papagawa sayo na driving skill, 2 ito from the following.
a) Kerb side parking
b) Reverse kerb side parking
c) Angle reverse parking
d) 3-point turn
So review lang kayo, hehe. If kukuha kayo driving instructor, kuha kayo dun sa malapit sa RTA na pag-exam-an niyo. More often than not, alam nila yun test route. So mabibigyan nya kayo ng tips. Kagaya nun instructor ko, sabi niya Blacktown daw and Castle Hill walang angle park. Madalas Kerb Side saka Reverse Parking. Yun 2 take ko ganito lang pinagawa.