@ierdna19 Kung gusto mo mag-migrate sa Australia kailangan ikaw mismo ay maka-meet ng requirements for Skilled Migration. Kahit matagal nang citizen ang relative nyo doon pero kayo mismo ay hindi nakaka-meet ng requirements, wala syang matutulong unfortunately.
Ngayon kung na-meet mo ang requirements and nasa MLTSSL yung occupation mo, pataasin mo yung points mo para aside from submitting an EOI for 189 visa, pwede ka rin magsubmit ng EOI for 489 relative-sponsored visa. Kung nasa occupation list ng Victoria ang occupation mo, pwede ka rin magsubmit ng EOI for 190 Victoria.
Kapag nakatanggap ka ng ITA and eventually meron ka nang visa ang matutulong ng relative mo ay patuluyin ka sa kanila habang naghahanap ka ng trabaho.
Kung nasa list yung occupation mo, pwede mo rin subukan maghanap ng employer na magssponsor ng work visa mo. Medyo mahirap nga lang daw makahanap kasi usually gusto nila meron nang visa ang applicants.