@njcachila Nasa list of occupations for skilled migration ba yung occupation nyo? Kung nandun naman, estimate mo muna kung ilang points ang kaya mong abutin and kung aling skilled migration visa ang pwede sa iyo. Kung wala ka pang nasisimulan, aralin mo visa 189 and 190. Yung visa 489 ay mapapalitan na ng visa 491 sa November, kaya baka di mo na maabutan ang 489 and visa 491 na lang aralin mo.
Sa tingin ko as much as possible dapat aim for one of the skilled migration visas. Visa 189 and 190 are PR visas. Visa 489 is convertible to a PR visa once you meet the conditions to live for 2 years and work for 1 year in the sponsoring state. Visa 491 is also convertible to a PR visa once you meet the residency and work conditions.
Pero kung walang occupation sa list na pwede sa iyo, then I think no choice but to consider a student visa.