<blockquote rel="merc2013"><blockquote rel="TotoyOZresident"><blockquote rel="merc2013">Super is not included. AUD84240 annually. But I intend to bring my family.....</blockquote>
Hi Mercy,
Okay ang Salary mo. Kunin mo na every year naman tumataas ang sahod dipende sa performance mo. Staka first company mo yan dito sa Ozzie so puede ka lumipat at makipag negotiate ng malaking sahod sa susunod na company na papasukan mo. Kailangan may trabaho ang husband mo para magaan gaan ang pagbayad ng renta ng house. Anu pala Visa mo?
</blockquote>
Hi TotoyOZresident,
Ginawa mo kong girl ah, oks lang. On 457 visa. I don't want my wife to work on the first year hanggang di pa kami adjusted. If I will include ot, which am sure meron, aabot ng 110k plus other allowances.
Siguro an lalaki ng mga sahod nyo! </blockquote>
Hi Mercy,
Kapirangot lang ang sahod ko mate, ang dami ko ngang utang na eh pero ayus lang kasama sa tagumpay yan eto nga nalampasan ko rin ang pagsubok kasi Citizen na ako 😃 ayuss!!! yeheyy...
Maganda ang offer sayo for 457 pero you have to clarify to your employer kung ilang years ang contract mo at kung payag sila na sponsor ka for Permanent Resident. Yun ang importante i clarify mo mabuti. Hindi biro ang 457 working visa kaya basahin mo maige ng 2000 times ang Contract mo.
You have to ask kung sagot ba nila ang 2 weeks accomodation mo while looking for permanent accomodation. Ask also kung sagot ng company ang health insurance mo.
Kapag working visa. Hawak ka ng company mo. Kung hindi maganda perfomance mo at hindi sila masaya sa ginagawa mo. Anytime puede ka pabalikin ng employer sa pinas. Okay ang Australian employer kapag sinabi nila gagawin nila. May isa silang salita pero you have to show them na hindi sila nagkamali sa pagkuha sayo.
Kung regional area ka after one year puede kana mag apply ng Permanent resident pero dapat sponsor ka ng employer mo. Kung hindi naman regional, after two years dun ka lang puede mag apply ng Permanent resident pero sponsor pa rin ng employer.
Libre naman ang primary at secondary school for your kids. Pero dahil 457 working visa wala kayong matatangap na assistance sa government. Puede mag work ang misis mo. Basta tyaga muna at tiis, kasama sa tagumpay yan. Attend kayo sa Church na may filipino para may moral support at para di kayo malungkot kapag nandito na kayo. Pero piliin nyo rin ang magiging ka close nyo 😃 hehe...
457 ako dati mayt. Just a reminder 457 working visa is a temporary visa. Goodluck and God bless... Cheers "ozzie ozzie ozzie oi oi oi" 😃