@FilVictoria2020
1) Maganda ang quality of education nang Australian universities. Hindi ko alam kung mahirap or hindi kasi pag international student, basta may show money
at mataas ang approval rate nang visa, lenient naman sila. In short, form of business ang education dito dahil na-attract nila yung mga foreign students. Well maganda kung mataas ang grades pero di sila masyadong concern don unlike sa Pinas na dapat may honours.
Maganda ang facilities at maraming perks hindi lang academically related. So very conducive ang environment when it comes to learning.
2) Ang job ay nakadepende kung pano i-sell ang sarili. Both mixture of personality, soft skills at technical skills. Kung PR or/at Aus Citizen,
mas mataas ang priority dahil syempre walang limitation sa work hours, sponsorship etc. (pero hindi ganto always ang case kasi marami pa
din iniisponsor na expats kapag wala talagang nakikita amongst local candidates)
Marami akong colleagues na non-IT ang degree. Yung magagaling namin na devs, high school leaver. Meaning natuto na sila sa workplace.
3) Masters ako pero maybe 80% nang subjects ko, ang mga classmates ko ay bachelor students so di ko alam kung pano yung segregation talaga.
Ang bachelor ko ay non-CS/IT so the struggle was real.
Siguro makaka help ang masters kung gusto mo mag pursue nang PhD in the future or if international student, syempre yung dependent ay full working rights
(factor din kaya pinili ko masters para full-time work si hubby nung student visa pa kami :p)