@jakibantiles said:
@jlee14 said:
Hello guys thanks sa mga advise. Galing ako sa POEA sa Ortigas at dami ng mga docs na hinihingi which is hindi naman hiningi sa akin noong nagwowork ako sa Singapore. Well onshore kasi ako sa Singapore. Daming kaartehan ng POEA.
Nandito ako sa Singapore ngaun at dito na ako magflight papunta sa Sydney. Sana naghead na ako sa advise ng mga kaibigan ko noon na dito na manggaling. Sa Australia ko na lang asikasuhin ung mga docs ko pari hindi maabala ng husto ung employer ko kakahiya naman.
Hello po. Nasa SG rin po ako currently. Iniisip kong dumirecho na sa AU at dun magprocess ng papers. Sydney po yung magiging job location ko. Hindi naman po ba hassle mag asikaso sa embassy doon?
Kung makakuha ka ng visitor visa, mas madali na yung pag process ng OEC for the 482 visa pag andito na sa Au. You just need to get in touch with POLO Canberra, forward the required docs for verification of your contract.
Besides, kailangan lang naman ang OEC kung uuwi ka ng Pinas dahil hahanapan ka if mag exit using your 482 visa.
Pag lodge mo naman ng application for your 482 visa, automatic bibigyan ka ng Bridging Visa to allow you to stay while your application is being processed.