@forthewin crucial sya kasi yung immigration ay nagbe-base sa points at date of effect (DOE) ng mga nakapila sa Expression of Interest (EOI) lane
Di ko alam kung na-explain ko ng maayos. So for example,
Nakapila si Engineer A at 75 points with Date of Effect March 1, 2019. Tapos si Engineer B naman ay nag update from 70 points to 75 points yesterday so ang Date of Effect nya ay October 9, 2019.
So kahit pantay sila ng points at 75 - papasok sa labanan ang DOE.
Mauunang ma-invite si Engineer A kasi nakapila sya noong March 1 pa.
May concept of "cut off date" ang immigration. Let's say, ang i-invite lang namin for October 11 round ay mga 75 points na nakapila hanggang April 1, 2019.
So pag April 2 onwards ang DOE, aantay ulit ma-invite.