Visa 489 Adelaide SA
Share ko lang experience ko so far.
Dumating ako dito last Feb 29. I think 1 or 2 weeks before nauso ang lockdown. For a month puro interview lang. Nung naglockdown ang SA, nagtry ako ng online job. Medyo advantage sakin kasi web developer ako. Maliit sweldo pero atleast meron at di stagnant ang skills ko.
Nung April, natanggap ako as Web Developer sa local company pero casual lang. Tatawagan lang ako pag may project. Still not an ideal work kasi minsan 2 weeks walang project so walang pera.
Nung June, may kakilala ang landlady ko na ni-refer ako to work as cleaner. Di pa din enough kasi 2 days a week lang pero at least may local odd job experience na.
Starting tomorrow, magstart na ang training ko sa certificate III individual support (sa Celtic Training) to work as a carer. Training is 10 weeks. Sa mga nasa South Australia, merong funding ang government to some visa holders like 489. The original training cost is 2450AUD pero 350AUD na lang pag merong funding.
I really hope this goes well because I gave up my cleaning job kasi full time ang training. Now, I only have the casual local web developer job and a few thousands left.
I'm also planning to do food delivery later pag may budget na pambili ng bike. Maliit ang kita pero malaki na pag na-convert sa pesos. At least dun ko na kukunin ang pampadala sa pinas.
Kapit lang. Nakakabaliw na tinitingnan mo na nauubos ng paunti unti ang baon mong pera.