Hi,
This isn't my first time traveling, naka travel na rin ako mag-isa to Singapore twice, most recently last 2017 and never pa ko nagka-problem sa immigration
Marami akong nababasang na-ooffload tho, di ko alam na issue pala siya kasi nga I never had problems before pero now kinakabahan ako. This will be my first time to travel to Australia alone (to visit my boyfriend) pero we will meet in Singapore muna for a few days kasi may conference siya dun sa december.
If ma-question ako, I will tell the truth na boyfriend ko yung nagbayad and magbabayad ng lahat ng expenses, pero nababasa ko rin sa ilang websites na kailangan ng guidance counseling certificate from CFO kahit imemeet lang yung partner in another country? Totoo ba? Hindi naman ako magma-migrate o magpapakasal sa boyfriend ko habang nasa Sg or Aus
Parang too much naman na hingan ng guidance counseling certificate kahit bibisita lang?