Hi! just got here in Adelaide nung weekend.
Share ko lang experience ko.
=== NAIA T3 - Flight to Sydney ===
- Check-in
Mga 11PM ang flight ko pero as early as 5 hours, pwede na mag check-in. During check-in, they'll check your documents and they may ask what's your reason going to Australia or what's your visa.
Yung baggage, ni-open talaga. They will swab the insides of your luggage then they have this machine. Di ko alam para san yun.
- Immigration
Antagal at ang haba ng pila dito. You need to allocate at least 1.5 hours for this.
- CebuPac Gate
CebuPac staff will inspect your carry-on baggages. Check lang nila ang laman pero hindi ang weight. After that, you need to go to another staff to do a body check before getting back your baggages.
- During the flight
May bibigay silang Incoming Passenger Card. Dito na yung i-declare mo kung may dala kang medicines, foods, liquids, etc
=== Sydney Kingsford T1 - Flight to Adelaide ===
- Sydney Arrival
Upon arrival, pipila kayo to check your passport. Di ko din alam san pipila. Basta sumunod lang ako sa mga kasama kong pinoy sa airplane. haha. After that you'll be sorted based on your answers on Incoming Passenger Card. So far, sa nakita ko isa lang ang binuksan talaga ang baggage then nakita ko andami niyang dalang chichirya. Kami pinalinya lang (by threes?) then inamoy ng inspection dog ang baggages. May dala akong pancit canton so ni-check ko yung meat or poultry sa card so tinanong ako ng security staff. Medyo nataranta ako so sinagot ko "a dry noodle food with some seasoning". haha. di ko alam kung na-gets niya yun. di ko kasi alam anong english ng pancit canton pero sabi lang niya "Alright, you may go"
- Transfer from T1 to T2
Merong airport bus or TBus between T1 and T2. Paglabas mo sa arrival area, sa left side merong mcdo. Yung sliding door sa gilid nun, nandun ang TBus. Libre yun. Sakay ka lang or kung magtanong ka sabihin mo "domestic?" kasi may isang stop pa siya for International arrivals.
- T2
Pagbaba mo ng bus, pasok ka lang sa loob T2 airport. Maliit lang ang airport. Nasa baba ang arrivals then sa taas ang departures.
- Check-in
Self check-in ang style nila kagaya sa CebuPac sa NAIA but the difference is nasa self check-in machine na din ang printing ng baggage tags. May instruction naman sa baggage tag pano ilagay. Pag di kayo sure, ipalagay niyo na lang pagbigay niyo ng check-in baggage niyo. Also take note na isa lang pila for the baggage drop off for al flights. Pag drop-off niyo ng baggage, boarding pass lang kailangan nila unlike sa Pinas na kailangan pa ng ID.
- Adelaide Arrival
Pagdating ko sa Adelaide, halos walang tao ang airport. Parang kami lang ang dumating that time. Medyo mahaba habang lakad lang papunta sa baggage carousel.
- Transportation
Di ko alam pano ang transpo from the airport kasi sinundo ako ng landlady ko but there are directions around the airport where to ride a bus, train or taxi.
=== Other Notes ===
Yung date and time ng itinerary ng CebuPac sa Sydney is already in Sydney time. I was expecting na PH time pa yun so I was adding 3 hours. Ganun din sa Jetstar, naka local time
Food is around 9-15 AUD then bottled water is 3-6 AUD pero merong water fountains within the airport.
Mainit ang araw pero malamig ang hangin. A simple jacket will do. Wag yung pang snow jacket unless sobrang lamigin kayo. Sakin, nilalamig ng todo ang ilong ko so naka mask or neck gaiter ako minsan.
For accommodations, join "Pinoy AU Adelaide" group. Daming nag offer dun.
Hindi naghanap ng any vaccine in any of the airports (NAIA, Sydney or Adelaide). Wala ding thermal check or any kind of inspection about corona virus.
=====================
Yun lang muna! Share ko experience ko later about Adelaide life.
I'm still looking for a job. Pasa pasa online. Pahingi naman ng cover letter at resume niyo para may comparison ako. Tsaka pa-refer na din ako. haha.
Good luck to us!