@minn Ang importante when applying for a tourist visa to any country is mapakita mo sa immigration na wala kang dahilan na hindi bumalik sa Pilipinas. Usual proof is na meron kang stable employment at sumusweldo ka ng sapat para mabuhay ng maayos dito and mabayaran ang expenses para sa trip mo. Since unemployed ka na, pwede kang mag-apply ng visa para inyo ng Mama mo at sasabihin mo na magbabakasyon kayong dalawa. So ang burden of proof malilipat sa Mama mo. Sya ngayon ang kailangan magsubmit ng documents to prove na wala kayong dahilan para magtagal sa Australia dahil meron syang maayos na trabaho na babalikan at kaya naman nyang bayaran ang travel expenses ninyong dalawa. Aside from payslips and bank balance, maganda rin na magprovide sya ng certificate of employment saying meron syang approved vacation leave from this date to this date, at meron syang babalikan na trabaho after the trip to Australia.