Agree ako kay @eris0819. Hindi pa sagad ang 75 points, kase 90 points na ako sa 491, wala pang 3 yrs experience yung overseas ko and wala pa akong NAATI/CCL niyan.
For 233211: Hindi nga siya available sa SA for high points and chain migration. Pwede mo rin tignan yung other occupation na related sa experience mo. Wag ka mawalan ng pag-asa. May friend akong Mechanical Engineer yung occupation pero hirap rin; until nakita niyang pwede pala siya as Mechanical Engineering Draftsperson (available pa sa SA). Kaya ayun dun siya nagfocus, tuloy tuloy yung application niya so far.
Yung sa akin dati, ICT BDM yung unang occupation ko, available sa NT nung Oct 2019. Lumabas positive assessment ko December, saktong nawala siya sa list ng NT. Then nagtingin ako ng other occupation related sa ICT BDM (ICT Account Manager, Sales, etc etc) kaso mahirap rin pumasok. Then nakita ko pwede pala akong Sales and Marketing Manager, ayun. Sa awa ng Diyos nagpositive naman assessment ko. Nagdadasal nalang habang naghihintay ng invite.
Fight lang. Send rin ng mga CVs baka matiyempuhan ng job offer. Good luck!
@eris0819 said:
@icomanman said:
Thanks @mayhuiso. 233211 Civil Eng po. Sa 491 na lang din po ako naka tingin. Besides, preferred ko naman po ma regional talaga, so long as may trabaho. Kaso kulang pa rin assets para doon sa financial requirement. Most states require job offer. So iniisip ko ano pa pwede gawin. Parang wala na talagang baraha.
@icomanman If 75 pts. parang hndi p siya sagad..try niyo po irecalculate ung points under 491