Hello guys! Its very inspiring to read this thread lalo na yung success stories ng job hunting. Mostly nga lang ng nabasa ko dito nasa Syd or Melby. Nasa SA kami ngayon, since April 16. I started sending resume nung April 28 kasi yung first and second week namin, nag ayos muna ng IDs and pasyal. So almost 1 month na ngayon from the time I started job hunting. Nasa 17 companies na ang pinagsendan ko. Some companies NR, some sent me rejection emails and meron 2 na nashortlist ang resume ko. Yung isa dun, evaluate daw ulit and wait for another email within 2 weeks and yung isa naman, pinagproceed na ako with online exams.
Honestly, hindi ko inexpect na mahihirapan ako makahanap ng work kasi nung nsa pinas pa, marami akong nakikitang job vacancies dito for Accountants. Well, sadly marami rin nga palang students dito and migrants na Accountants kaya stiff din ang competition.
Nung una, pinipili ko pa yung mga jobs na inaaplyan ko. Pero ngayon, basta accounting or external audit role kahit entry level, contractual or part time, nag sesend ako resume. Basta magkaron lang ng local experience. Kahit yung mga jobs na nasa malayong suburbs, inaapplyan ko na rin. Ok lang kahit magrelocate kami basta magkaron lang ng work.
Staying positive and keepng our faith. π