@goku_son Maraming misinformation about 186. May iba't ibang stream ito. Ang direct entry ay hindi nangangailangan na mag stay ka ng 3 years sa employer mo. Nag apply ako ng 186 makalipas ang anim na buwan lamang sa ilalim ng 482. Kailangan mo lang mameet ang requirements. Inaassume ng DE na meron ka ng 3 years experience or more. Ang 3 years requirement sa ganang akin ay para mapatunayan mo na competent ka sa propesyon mo.
Sa temporary residence transition stream (TRT), ito yun from working visa to PR. Ang sabi rin sa website ay “ Usually, you must have worked for your employer full-time for at least three years”. Sa case ko, 6 months lang ako sa employer pero sa labas ng OZ ko na gain yun ibang years ng experience. Sabi rin dito ay full-time. Kontrata ang pinapasa sa immigration so hindi papasa na part-time ang nakasaad sa kontrata mo kaya ito dinecline ng agent.
Walang kundisyon ang 186 na matali sa employer. Ito ay nasa saiyo kung tatanawin mong moral obligation mag stay sa kanila or kung may kasunduan man kayo.
Ang kagandahan sa Australia, napaka transparent at available ng information sa mga websites ng gobyerno. Kailangan lang basahin at intindihin. Ito ang dahilan kaya maraming nakakapag DIY at may forums din. Good luck!
https://immi.homeaffairs.gov.au/visas/getting-a-visa/visa-listing/employer-nomination-scheme-186