@ShyShyShy said:
@_jk said:
@ShyShyShy said:
Hi, Any one here na naka migration agent? Gaano ba kahirap mag lodge ng visa mula sa na invite ka? Anu experience niyo? Nakakapagtaka lang dahil yung agent ko hanggang nagyon hindi pa din nag lo lodge, halos ilang araw na lang ang deadline, naibigay naman lahat ng kailangan at bayad sa card na din. Bakit kaya ganun sila katagal magasikaso ng documents?
Depende sa dami ng hawak nila Migration Agent. Same here umabot halos 2 weeks nalang deadline na ng submission. Nakakastress kasi gusto ko na ma-ilodge na agad.
Ramdam kita na sa lagay mo. Ako super proactive sa pag double check ng details sa mga forms nila kaso madalas ang tagal nila mag recheck ng submitted form mo.
Every week ako nag eemail sa kanila kung may update na ba plus sinasabi ko rin na halos punuan na medical slots sa mga clinic.
Basta ensure mo lang na error free ka na sa mga forms na binigay sa iyo ni Agent at pag naka lodge ka na ask mo si Agent kung pwede ka na mag medical pero acknowledge mo ang pros ng pag mmedical exam na wala pang CO contact.
Good luck!
Madaming salamat. Sa binigay saken at nakita kong visa application, ito ay mag two weeks na at hindi pa na i submit hanggang ngayon, maayus naman lahat. Nagaantay nga po ako para dian sa medical na yan, naghanap na din ako saan pwede, bale tatlo pala yung sa St Lukes, IOM at yung isa pa. Paano ba malalaman yung available slots pala sa medical? Hanggat maari nga maganda sana na makapag medical agad kasi needed din naman ito sa grant diba? Kaya gagawin din talaga.
Hindi ko alam bakit sobrang pinapahaba nila tong gantong bagay para lang sa iisang approval ng ahente, nagaantay yung kumakausap saken. ganyan katagal. aabutin na ng expiration, or kahit hindi pa mag eexpire, masyado nila inaabuso ang oras at araw na sana natapos na, dahil wala naman kulang or kailangan pa na inaantay mula saken.
Yun Medical kailangan nai-lodge na nila yun Visa application mo doon ka pa lang magkakaroon ng HAP ID at Referral letter. Since naka agent ka sila mag ggenerate ng letter for you tapos may papasagutan sa iyo bago makapag create ng referral letter with HAP ID.
Pagdating naman sa Medical Slots ito ay based sa experience ko at mga nabasa ko dito sa Medical forum page.
SLMC Ermita - Sabi nila marami daw ditong slots at ang payment pwede credit card. Reservation ng slots thru website sila pero di ko na try dahil yun na try ko ay SLMC BGC process.
SLMC BGC - Ayun meron website at pipili ka kung anong SLMC location tapos time. Nung March 22, April 4 730AM nalang nakita kong slot so yun ang pinili ko kasi yun na talaga earliest nila.
After ko ma-proceed yun online reservation slot kailangan pala muna magbayad thru OTC/Mobile Banking of Security Bank for medical payment which cost 8450. May generated email kung paano ka magbabayad. Good for 5 days dapat mabayaran mo then may procedure ulit paano mo ma-ssecure yun slot mo. Daming steps no? Pero di ako dito tumuloy kahit na malapit lang ako dito.
- IOM Makati - March 22 din ako nag email (mhc.au@iom.int) sa kanila kung anong earliest available schedule at ganon din April 4, 730AM. Dito cash basis lang sila pero pwede ka magbayad on the day tapos 7250 lang mas mura kay SLMC rate.
Nakarating ako dito mga 720AM may mga nauna ng nakapila pero UK sila. May queueing for registration may mag aassist naman. Sa AUS queue ako nauna may mga counter per country so di ko alam paano queueing nila pag nasa loob na lahat. Mabilis lang sa akin nagulat yun guard tapos na ako by 9AM. HEHE. Ang go signal ata na pwede ka na makaalis pag clear yun Urinalysis at Xray result mo. May HIV blood screening ako pero 2-3 working days pa result tapos 7 working days naman yun full result at iuupload daw sa emedical account ko.
Madami din tao na nung pag alis ko meron pa naka queue sa labas kasi punuan na sa loob though di naman ganoon crowded hehehe. UK/CA/AU ang nakita kong mga kasabay.
IOM Makati pinili ko kasi mas mura, less hassle, at malapit para sa akin; mas malapit din SLMC BGC pero mas pricey ang fee.
Kung pipiliin mo ito advise ko sa iyo ready mo na yun kailangan na docs nila may email naman sila ano kailangan. Sa HIV screening kung nakalagay sa request mas mabuti kung na-fill out mo na agad yun forms pero doon mo na pirmahan pag sinabi nila para less time na magfill out doon. Kasi may nakikita ako nag ffill out pa ng ganung form doon. Nakalagay din yun sa confirmation email for schedule.
Ayun lang sana makatulong. đŸ™‚