491 applicant here- WAiting for Grant din, ang ginawa ko this past 4 months since lodgement every monday lang ako nagchecheck anything related sa immigration. Gumawa ako ng separate facebook account kasi punong puno ng visa group discussion yung fb account ko. Every monday exicted ako kasi halos kalahating araw nagbabasa ako through facebook, pinoyau, subreddits, and WA group.
Gumawa ako ng 4 na folder sa google drive divided into Jobs, Accommodation, Budget Allocation, and First things to do upon landing. Pag may nakita akong helpful tip or resource, nilalagay ko sa respective folder.
Dahan dahan kong binabalikan yung buhay ko bago ako nagsimula sa australian dream na to. Kasi honestly, nung nagsimula ako sa pag process nito halos makalimutan ko na lahat ng bagay na nagpasaya sakin.
Kapit lang at nasa Verse 3a palang tayo ng Ecclesiastes 3:3 "a time to kill and a time to heal".