Thank you Lord, nagrant na rin ang visa. Hindi ko inexpect na ganito magiging katagal paghihintay ko, halos dalawang taon yung ginugol ko at ilang beses din ako naghintay. From Vet Assessment, to PTE, to Invitation, Nomination, Medical, at S56. Kada hakbang may pera, at paghihintay. Dalawang taon ng pagdadasal at pagdududa has finally paid off for the FIRST step.
Pag tinitignan ko yung grant ng ibang similar occupation ko in the past ambilis eh, Kaya post August 2025 kung ano na pinag iisip ko.
Siguro nga nag iiba na yung ihip ng hangin para sa immigration. Nung sinumulan ko kasi to nasa utak ko na August 2025 nasa Australia na ko.
Thank you sa website na to at sa lahat ng sumagot ng queries ko. Pati na rin kay user @monesc10 , sa kanya ko nakita na baka may chance ako dito. Halong saya at kaba dahil alam kong unang hakbang palang to, makakapag plano narin ako sa big move.
- Industrial Pharmacist, Offshore, Western, 491 100pts
- Nominated Occupation: 251512 (Priority)
- Pre-Invite: December 13, 2024
- Nomination Approval: April 8, 2025
- DOL: April 10, 2025
- S56: October 4, 2025, Employment Evidence, submitted same day.*
- Grant: January 9, 2026
*Ang ginawa ko kasi sa nung nag upload ako ng documents for lodgement, dahil sa laki file size ng employment evidence ko (3 kasi yung company na dineclare ko sa Vetasses) inupload ko na lang sa google drive, sineparate by folder for each company at nag upload sa immiaccount ng 1 document containing the google drive link with explanation. In hindsight, parang unsafe nga yun kasi mag ciclik yung DOHA ng random google drive link, baka akala nila may virus. So nung nag respond ako sa S56, same documents pero per company ay cinompress ko sa isang pdf. So bale tatlong employment evidence inupload ko sa ImmiAccount as s56 response.