<blockquote rel="jonienoelmelo">@RodGanteJr sir, ask lang. kahit b may migration agent si husband ko, pwede bng mag direct msg kme sa CO? if yes, how?</blockquote>
Ma'am, pwede po kayo mag-enquire, but the CO will just acknowledge your email and will not give you information on or the status of your visa kasi po yong authorised contact person (who submitted the application) lang po ang bibigyan ng information ng CO. Standard po ata eto.
However, in some cases po, nag-rereply yong CO sayo tapos naka-CC or kasama sa email yong authorised contact person nyo po. Kelangan nyo lang po na maging malinaw and courteous para po magrereply sila sayo (this worked for me). In your enquiry din po, lagay nyo yong TRN, Passport number, Birthdate and country of citizenship ng applicant para ma trace agad ng CO.
For reference po, eto yong ginawa ko. Kasi sa Brisbane, pina-process yong visa ko, sa e457.Brisbane@immi.gov.au (if Sydney, e457.Sydney@immi.gov.au) ako nag email. Sinulat ko sa email yong issue, ano na ung status, and ano yong dapat gawin in a very courteous way. Kasama po sa email yong TRN, Passport number, Birthdate and country of citizenship ko. Kinabukasan, nag-reply po si CO answering my questions and giving information, etc. Sa pag-reply ni CO, kasama si HR (si HR ng company ko ang nag-submit so siya ang authorised contact person) sa email.
Try nyo po. Baka sakaling mag-reply po. Hehehe. God bless đŸ™‚