Ok game ako naman. Pampainspire.
Dumating kami sa Brisbane 2nd week ng June. So nung paglapag namin dito sympre first week pasyal pasyal kasi inde pa din nag ssink in samin na andito na kami sa lugar na ilang taon naming pinangarap mapuntahan, ilang milyong visit sa website para lang macheck kung nainvite na kami, araw araw na pagtawag sa clinic kung naupload na yung medicals, minuminutong pag check sa email kung may case officer na, nakakaumay na refresh ng page kung nareceive na yung uploaded files namin, at sandamakmak na kung anu ano pang pangungulit....at finally "The day that the Lord has made" ay dumating na...at fast forward...andito na kami sa brisbane airport.
Bago pa kami dumating dito ni mind set ko na talaga na 3 months bago ako makakakuha ng trabaho. Before pa, madami na kong nisubmit na applications pero panay rejection letter o kaya ang iba dedma lang. Pakatapos nung unang linggong simba namin, apply apply na naman ulit kasi madaming time eh walang magawa. Ganun pa din , panay rejection letter at dedma sa inaapplyan ko. Usually daw talaga kasi inaantay ng recruiter yung closing date bago magsimula yung recriutment process. May apat na versions ako ng CV at cover letter para may konting customisation din kasi advise ng madami na ipersonalize daw bawat application eh pero kasi mahirap nakakatamad gawin kaya bawat application ko sa SEEK at CAREERONE ay isang mabilisang upload/submit lang. So sa madaling sabi araw araw bawat umaga ay SEEK at CAREERONE ang focus ko. Nagbigay ulit ako ng deadline sa sarili ko na after 1 month na wala pa eh mag apply ako sa MCDO. Dumating ang ikatlong linggo at nakabingwit din ako ng isang recruiter, pakatapos ng isang exam at apat na interviews sa isang buung linggo…. At dun na nagsimula ang “the rest of our lives” dito sa Australia. Kung di ko nakuha tong offer na to, wala na din akong ibang options din kundi si MCDO at iba pang odd jobs which I don’t mind doing. Inde ko sasabihing madaling makakuha ng trabaho, siguro kombinasyon lang ng determination/faith/swerte/good timing/opportunity ang nangyari sakin na inde imposibleng mangyari sa iba. As we speak, kumakain ako ng lunch ko dito sa office habang binibisita si pinoyau na naging malaking parte na ng aming paglalakbay. Maraming salamat po.