@choknatz
Yup nadala ko sa plane pero narealize ko nalang later on na dapat pala hindi ko na dinala kasi mabibili mo din lahat yan dito including yang mga items na nilista mo
Advise ko lang wag mo na dalhin yang mga bulk items & appliances (TV, road bike etc) lalo na if plan mo dalhin as check-in baggage. Isipin mo din if yang mga bulk items na yan e kasya ba sa either sa taxi or sa sasakyan ng maghahatid at susundo sa inyo (kahit suv pa yan) sa mga airports lalo na nasabi mo na family of 4 kayo.
Nung dinala ko yung tv ko, magisa pa lang ako nun at hindi ko pa kasama family ko sa BM. halos sakto lang ang 46" tv ko sa taxi plus maleta pa. Hehe di ko lang maimagine kung paano mo dadalhin mga gamit mo at may kasama ka pang kids hehe
I think normal naman sa mga first time na mag BM na dalhin lahat ng mga gamit nila dahil may sentimental value or siguro para din hindi na bibili dito. Ganyan din ako dati kasi nga clueless pa ko nun kung saan ka bibili, o baka mahal.
Sabi ko nga, lahat yan e accessible at mabibili mo din dito. Pero lagi ko inaadvise na dalhin lang nila yung talagang necessity lang for job hunting which is a laptop, print-out CVs and interview attire clothes etc... once makakuha ka na ng work ng maaga at mejo nakaka settle down na, yung savings mo na dala to survive for ilang months, magagamit mo yun pambili na ng mga bagong gamit.
Also take note, Hassle yang sobrang bulk items lalo na kung wala ka pang permanent accomodation dito. Kung may kakilala ka naman na dito at may matutuluyan na, magpabili ka nalang ng mga necessities bago kayo dumating.