@Zion depende talaga sa longterm plan nyo mag-asawa. from SG din kami ng wife ko at may ok na work pero after 10 years working din and after several time na nagapply kami ng SGPR di kami pinalad hehe. Ang nagpabago ng isip namin na maghanap ng alternative place to migrate dahil ayaw namin bumalik sa pinas ay nung nagkaanak na kami. Swerte kasi nung time na yun madali pa kumuha ng dependant pass at nakakuha din kami ng helper para magalaga ng bata. Pero dahil sa mga changes sa laws sa SG, mahihirapan na kami kumuha ng DP kung magkakanak pa kami ulit at di kami makakabili ng bahay sa SG unless maging PR kami or tumama sa toto hehe.
Just think about this - kung may plan kayo magkaanak, ok lang b na hindi nyo siya kasama sa SG? Gusto nyo ba na laging nakatira sa flat na may kashare lagi? Ano ang gagawin nyo pag di na narenew ang passes nyo at wala ng makuhang bagong work?
So, sa case namin, inayos namin ang PR namin tapos nagipon bago nagmoved permanently sa AU. sakto din na pagbalik namin dito ay buntis na si misis with our second child so australian na siya nung pinanganak. Mas mura din dito magbuntis kesa sa SG na maraming babayaran mula check ups hanggang delivery.
Kaya pagisipan nyo ng mabuti at pagplanuhan na. Masarap sana sa SG kasi malapit sa pinas, sobrang safe, madali ang public transport at masarap/mura kumain sa labas. Nasa prime kayo for PR application dito, point wise at financially dahil pareho kayo sa SG nagwowork. You and your husband must understand that PR application in AU now is not as easy as it was before (changes made since 2017/18 made it difficult to get invited), kaya the best time to apply is now.
Nasa inyo pa rin ang pagpili ng kapalaran, ito ay pawang opinyon lamang hehe.