I took both tests: IELTS last Apr 2018, PTE last Dec 2018.
ANg maganda sa PTE, computerized siya, even for speaking part. Medyo may pagka-introvert tayo kaya mas preferred ko ang PTE. And besides, pwede ka magprepare ng ready-made templates sa mga isasagot mo sa exam.
Mas mabilis ako mag-type kaysa magsulat, kaya advantage sa kin and PTE.
Mas mahirap nga lang mag-review sa PTE kasi mas madaming exam types. Each exam type requires a different technique kaya maganda napaghandaan mo na.
Tama po si MLBS. Techniques and templates ang kakampi mo sa PTE. Tried and proven ko po yan.
Also, mas mabilis results sa PTE kesa sa IELTS. Two weeks ang sa IELTS. That means, 2 weeks ka ding kakabahan and matutuliro. Sa PTE, nagexam ako ng hapon. Kinabukasan pag-gising ko, may resulta na.
I see that there is no way for me to get an 8.0 or 9.0 sa speaking and writing sa IELTS. Pero sa PTE, naka 79+ ako sa lahat. Almost perfect pa nga.