Hello po, magandang gabi. May tanong lang po ako. Meron po bang naka-experience na pinag-sputum at nag-negative naman sa smear pero pinag-TB medication pa rin ni St Lukes Ermita?
To give context po, may nakita po kasi opacity dun sa xray ng wife ko. Then si BUPA nagfeedback na for sputum test siya. However, before the sputum test nag-pacheckup kami sa Pulmo namin. Then si Pulmo nagbigay ng TB medications so tinake ng wife ko. Nagprescribe sya ng medications to please the DHA daw kaya tinake na namin. Madami daw kasi sya Patients before na pinag-sputum din ni St Lukes.
Ayun, after the sputum test, nag-negative nga sa smear test pero sinabi namin sa Panel Doctor doon na nagmedication na si wife for a month dahil nagpa-checkup kami sa Pulmo namin. Ngayon ang sabi ni. St Lukes, baka daw negative ay dahil nag-medication na. Kaya pinatutuloy si wife ko ng medications nya. Ang catch lang is preggy si wife and 8 months daw bago matapos un medications nya sabi ni SL Ermita. Pero on the 6th month may xray ule sya. At isa pa, araw-araw(Mon-Fri) siya sa St. Lukes Ermita to take her medicines.
So ayun po, Meron po ba sa inyo na nag-negative na sa smear, culture at xray pero nag-continue parin ng medication?