sa three months na pananatili ko dito (arrived last Feb '14), hindi pa ako makahanap ng trabaho sa Telecom Engineering. naka tatlong interviews na rin (2 doon ay technical), ayos naman ang interview pero nakakapagtaka lang kung ano talaga ang hinahanap nila kasi nasagot mo naman ang mga technical questions. tinanong ko yung headhunter ang sabi baka daw sa communication skills ako nadali (mahina ako sa speaking kita naman sa ielts result ko). kaya eto move on move on din pag may time.
pero dahil nga nanghihinayang ako sa lumilipas na panahon nagtry ako ng odd job, nagtrabaho ako sa packing company as part time mostly twice a week lang ang trabaho. minsan nga once a week lang. nagfofold ng mga kahon, nagdidit ng mga stickers sa kahon. medyo nakakangawit din sa leeg at kamay kasi non-stop yung trabaho pero wala akong choice. naka 4 weeks din ako doon tiniyaga ko kahit na 10 AUD an hour lang.
then nirefer ako ng kaibigan ko na nagwowork sa isang suit company sa Myer as sales consultant (di ko alam kung tatawagin nating odd job ito), ayun nag-apply ako tapos tinanong ako ng manager kung may retail experience ako, then sinabi ko meron kahit wala. then pinagdemo nila ako kung paano ko ibebenta yung suit buti na lang naaalala ko yung mga specs na sinabi sakin nung salesman nung bumibili pa ako ng suit sa Pinas (about single or double-breasted, one or two-buttoned, super fine wool or poly wool, notch or shawl lapel) then on the same day, pinagsimula na ako sa trabaho. nung una 4 hours a day, 3 days a week lang ang trabaho. pero lately dahil nakikita naman nilang nakakabenta tayo, kasi nasa dugo nating mga Pinoy ang excellent customer service, yung tipong dedicated sa trabaho at laging nakangiti, kaya halos araw araw na ang trabaho tapos 5 or 6 hours a day. more than enough naman ang kita sa araw araw na gastusin dito. at mababait ang mga kasama sa trabaho, relaxed lang, hindi pushy. then napaparactice pa ang english kasi ibat ibang tao nakakausap mo, iba't iba rin ang behavior, tapos malalaman mo kung sino sino ang mga galante at yung mga kuripots, at maraming nakakatawang mga karanasan tungkol sa mga customers.
pero pinupush pa rin ako na maghanap ng engineering job, eh kaso wala talaga, lately nagcheck ako sa seek.com para maghanap kaso wala eh, tagtuyot. kaya tiyaga tiyaga muna tayo. recommend ko lang sa mga wala pang work try niyo rin magwork sa retail, lalo na sa Myer, masayang magtrabaho dun di mo alam natatapos na ang oras hindi naman nakakapagod.