In the end, it all boils down to taking risks at ano ba talaga ang priority mo sa buhay.
Kung priority mo na makapagwork abroad at eventually makaalis ng pinas, magandang opportunity ang planit, wala ka namang ilalabas na pera para asikasuhin ang visa mo, sure pang may dadatnan kang work pagdating mo dito. Whereas pag independent ka, malaki na nagagastos mo, di pa sure kung maiinvite ka for visa. Tapos pag naapprove naman, wala ka naman agad trabaho pagdating mo, nagastusan ka na nga sa visa, puro pa palabas ang pera mo pagdating dito au. Although syempre pag may sure work ka tapos approved agad pr visa, aba ok nga ang independent 😊
Planit is a stepping stone, naka-bond yes, pero naman kasi ginastusan ka nila eh, saka andami trainings at certifications na pwede mo makuha habang bond ka. Eh forever na sayo ang learnings mong yun kahit lumipat ka na ng company. Walang madaling daan patungo sa pag-asenso, lahat magsisimula sa baba. Kumbaga, nagsisimula ka ng bagong buhay sa bagong bansa, parang fresh grad na kumukuha ng experience. Lahat pinaghihirapan kumbaga.
So ano ba gusto ko sabihin? Bahala na kayo dyan sa buhay nyo. Hehehehehe. May online calculator, icheck nyo dun magkano net sahod nyo minus tax at super. Remember may tax refund ka dito bandang june, so may balik kahit papano ang kinaltas sayo.
Gastusin dito, depende, may pamilya ka ba or single? Pag may family consider presyo ng childcare kung magwork din asawa mo. Kung single, mag-aral ka na magluto, mahilig magbaon ang mga tao dito. Isipin nyo din homesickness lalo na pag sanay kayo pinagluluto at pinaglalaba ni mama, naku mahihirapan ka dito mag-adjust.
Balitaan nyo kami pag ok na ang PR visa nyo para kami naman magpapatulong sa inyo kung papaano nyo nakuha yon 😊
Bilisan nyo din pala mag-independent apply kasi medyo naghihigpit na sila eh, antaas na ng points na kelangan para mainvite.