Hi guys,
Bago po ako dito sa pinoyau and naniniwala po ako na eto ang pinakamagandang bagay na nagawa ko sa pagsimula ng plano naming mag asawa na magmigrate sa Oz. Humihiling sana ako ng tulong sa inyo kung sino man sa inyo ang makapagshare ng CDR nila for electronics engineer. Isa po akong test engineer sa semicon industry sa loob ng 9 na taon. Di ko po kasi alam paano simulan yung cdr ko at gustong gusto ko na to talaga simulan para makausad na ang plano namin. Sana po meron sa inyo makakatulong. Salamat sa lahat and more power po sa pinoyau website.