Been here in WA for about four years na rin at marami na rin naman akong naging friends thru this group at marami na rin akong natutunan, hinde lang sa mga aussie kundi pati na rin sa mga pinoy at this part of the world. Some of which can be put into the following:
first and foremost, being an immigrant, hinde Australia ang magaadjust sa inyo, tayo ang magaadjust sa Australia
nasa Australia ka na kaya iwan mo na ung mga bad traits and habits mo nung nasa pinas ka pa or kung saan bansa ka man nanggaling...
Balewala ang status quo dito, wala sila care kung manager ka or presidente ka ng isang company or ikaw mismo ang mayari ng isang company...pantay pantay ang tingin ng bawat isa dito
Kahit anong klaseng trabaho dito sa Oz e respectable...kaya wag mo ikahiya ang trabaho mo...pinagpaguran mo yan e so bakit mo ikakahiya
Itigil mo na yang ilusyon mo na since nasa Oz ka e dapat bongga ka...stop that bullshit na dapat ang perception ng mga tao sa pinas e uber yaman ka dito sa Oz or dapat bigtime ka...again balewala ang status quo dito...kung may work ka, kahit ano pa yan e magpasalamat ka at wag mo ikahiya!
Marami akong workmates na Aussie, actually ako nga lang ang pinoy dito sa work ko at sa mga previous jobs ko...common thing with them is that, kahit ung iba e taga queensland or melbourne or south australia e wala sila pakialam...i mean, hinde ba tulad sa atin na minsan ung mga taga luzon e ayaw maki mingle sa mga taga bisaya and vice versa...point is, stop the colonial mentality nating mga pinoys, nasa Oz na tayo...
Stop the crab mentality bullshit na rin, kung nakakuha ng magandang work ang kasama mo or napromote sa job ung workmate mo or kaya naman e kuripot ung kasama mo at di hamak na mas nakakaipon siya kesa sayo then br proud of him/her...wag mo nang kainggitan ang kapalaran niya at kapalaran niya un...kung year by year e wala kang asenso sa buhay mo e at ung kasama mo umaasenso sa buhay niya...hinde niya kasalanan na maging miserable ang buhay mo, kasalanan mo un dahil bukod sa tamad ka e gastador ka pa! Kaya ang payo ko sayo e ganyahin mo na lang siya at baka sakaling umasenso ka rin
If ever naman na may makasalubong kang pinoy sa coles or woolies at binati mo sila at hinde ka pinansin...dont get offended, baka kako akala mo lang pinoy sila...next time e wag ka na lang din mag expect or wag ka na rin babati...mahirap rin naman ang mapahiya
If ever naman na binati mo sila ng tagalog at sinagot ka ng english, e di mag english ka rin...dont get offended at dont feel na mayabang si kabayan, malay mo nagprapraktis lang siya kahit na bali baliko na english niya, try to understand na lang besides nasa Oz na naman tayo...english ang medium of communications dito!
Ikaw naman kabayan na pa english english pa kahit sala salabat na, try to communicate pa rin in tagalog, lalo na pag tagalog din ang usapan...hinde naman masama un! At hinde rin naman masama yang pag eenglish mo...oks lang kahit walang sense ang english mo...
Kahit ano pa ang visa na hawak mo e be proud, pinaghirapan mo yan e, kaya huwag mo na rin silipin kung either 457, partner or de facto or tourist or kaya naman graduate or student visa ang hawak ni kabayan, or #freeride2Oz pa yan, just focus ka na lang sa sarili mo...ang importante e andito tayo sa Oz
Now, kung sino man ang nagsasabi na panget dito sa Oz then by all means, lumayas kayo dito...kahit saan naman e panget lalo na kung close minded ka at hinde ka open sa changes...learn to appreciate na lang kung ano ang meron ka hinde ung puro ka reklamo! Kahit saan bansa ka naman magpunta at hinde mo appreciated ang pinagkaloob sayo e talagang hinde ka mageenjoy sa buhay mo...basta ako happy ako kahit paano...hinde ko rin naman akalain na makakarating ako dito e!
Malinis ang Oz at very particular sila sa environment nila...kaya iwan niyo na ang pinoy mentality na kalat lang ng kalat at tapon lang ng tapon kung saan saan...mahiya naman kayo sa sorroundings niyo kung magkakalat lamang kayo
I dont mean to offend pero ang centrelink na nakukuha niyo e nilaan para sa mga anak niyo hinde yan budget para kumuha kayo ng sasakyan or whatever...but then again, ano ba naman ang pakialam ko sa diskarte niyo, im just saying na centrelink budget e para kids at hinde para sa mga luho niyo
Hinde particular ang mga Aussie sa brand ng damit kaya wag kang maginarte dyan na kelangan branded lagi ang damit mo...take note, dito sa WA e maraming walang outlet na sikat na designer brand...kahit starbucks waa dito...and most aussies rin e makikita mo na napila sa ukay ukay...kahit sa swap meet marami ka makikita na aussie dun kaya wag kang maginarte dyan...
Halos wala rin laman ang mga malls dito...kung sa atin sa pinas ang tambayan e malls, ibahin mo dito, pupunta lang kadalasan ang mga aussies sa mall pag bibili ng pagkain or ng yosi, kadalasan pa nga e makikita mo na nakayapak lang sila...mostly asians lang ang nagpupunta ng malls at ang tambayan ng mga aussies e either sa beach or sa mga parks
Kaya wag kang maginarte dyan sa mga branded items dahil pag nakita kita sa swap meet...sipakin ko yang nguso mo!
Huwag kang balat sibuyas; kung sakaling mapagalitan ka man ng boss mo na aussie e dont take it personally...straight forward lang mga aussies at talagang sasabihin nila kung ano ang gusto nilang sabihin kaya dont take it personally...wala lang sa kanila un, i bet after awhile e sila pa mismo ang lalapit sa inyo just to comfort you or offer you something just to please you...generally e mababait ang mga aussies pwera lang ang mga bogans or ung mga hinde nakapagaral...may pailan ilan pero majority e mababait naman sila at polite pa...furthermore, wag ka masyado paapekto if ever mapagalitan ka ng boss mo, isipin mo na lang na sumasahod ka pa rin per hour kaya oks lang un, kumbaga pasok sa isang tenga labas sa kabila then sahod na naman...mahiya ka na lang kung araw araw e pinapagalitan ka kase lagi kang palpak...
Learn to be more polite as well...yung tipong pag may nakasalubong ka na aussie or even ibang lahi or kapwa mo pinoy,learn to smile and say good morning, hey mate, ola amigo, assalam alaikum, etc. Aussie way ika nga...that goes also sa pagsabi ng cheers instead of thanks as a compliment
Now kung meron ka naman na workmate na ibang lahi at feeling mo e nabubully ka since bago ka lang sa work, kausapin mo ung taong un at sabihin mo na offended ka na sa ginagaw niyang pambubully...talk to him or her in a nice way hinde ung war freak ka at bigla mo na lang susuntukin...sa pinas pwede siguro un dito sa oz e may kalalagyan ka...pag wa epek at ganun pa rin ung guy, sabihin mo na magsusumbong ka sa admin/hr niyo ng harassment at bullying plus discrimination then dederecho ka kamo sa worksafe to file appropriate complain...ewan ko lang kung hinde umikot ang tumbong nung nambubully sayo pati na ang HR niyo
Matutong magipon, hinde everytime e pasko dito sa Oz...hinde rin ganun kastable ang trabaho mo kaya matutong magipon at wag waldas palagi...matuto rin kayong humindi if ever may nagrerequest sa pinas ng kung ano ano...kahit pa relatives mo sila, much better na ipaalam mo sa kanila na mahirap ang trabaho dito sa Oz at hinde natin pinupulot lang ang pera dito...pero kung galante ka naman, ano ba naman ang pakialam ko dun
Paalala lang din sa mga kapwa pinoy...alam ko na magagaling tayo, pero please do understand na hinde lang tayo ang magagaling...wag kang magmalaki na hinde ka tatangalin dyan sa pinagtratrabahuhan mo kase kesyo magaling ka at ikaw lang ang nakakagawa ng ginagawa mo dyan sa company niyo...tandaan na taghirap ang Australia ngayon at maraming walang trabaho ngayon sa Australia kaya pakabait ka dyan sa company niyo at baka matanggal ka sa kahambugan mo
Maraming religion dito sa perth kaya learn to give respect rin sa mga beliefs ng mga kababayan natin...wala ka nang pakialam kung saan sila nagsisimba at kung ano ang religion ng kabayan mo...ika nga e kanya kanyang faith yan