@ambry said:
@Jacraye said:
Could not agree more with this. Just want to add a couple more:-
- SHOW SOME GRATITUDE. sa mga mapapalad na tinulungan ng mga relatives na makapunta sa AU, wag naman kayo masyadong feeling privileged. once makarating na kayo sa AU, siguro give yourself 1-2 weeks to settle down and adjust. After that, tumulong naman sana sa gawaing bahay at hindi yung magkukulong ka sa kwarto para lang manuod ng netflix. LOL. aba eh hindi ka naman na bisita. at kung sakali man makakuha ka na ng trabaho, wag pa rin kalimutan tumulong sa bahay. hindi yung aalis ng maaga tapos uuwi gabing gabi na para lang makaiwas sa gawaing bahay. (alam ko na mga style na ganyan!!! hahaha!)
Observation ko lang satin mga Pinoy, passive aggressive tayo. Kung may natulongan man tayong ganito ang ginagawa, kausapin natin nang maayos at wag na antayin na magkusa or better yet, before helping them, if we expect anything from them, let them know para alam nila papasokan nila. While patience is a virtue, honesty is still the best policy. Hehe...Kung ayaw nila sa conditions mo, di wag nilang kunin ang offer mo. Bumukod sila at gumastos. Hirap sa atin mga pinoy, di natin masabi ng harapan tapos yung galit natin, echichismis natin sa iba. In the end, masisira ang relationship. We are in a foreign land, magtulongan tayo. We must understand that not everyone thinks the way we do kaya communication is the key.
I agree that everyone thinks differently. kahit nga kambal magkaiba mag-isip. usually naman, property owner will always set or explain rules prior to letting someone live or use the premises. it's not just about gratitude but is also about common sense.
Let's say si taong mapalad napaka sinop sa kwarto nya as in sa sobrang sinop mahihiya yung germs na pumasok. lol. pero yung ibang gamit nya at basura nya iniiwan lang nya sa sala? is there something wrong?
Another, gumamit ng banyo si taong mapalad. nung natapos naiwan lang na nakabukas ang tap sa basin or yung sa shower mismo. not once, not twice but nth times na. is there something wrong?
Trust me, hindi ako yung tipo ng tao na tahimik lang kapag may nakikitang ayaw na ginagawa. That's why i'm sharing my points here para sa mga mapapalad e hindi tularan.
And another thing, marami talaga nasisirang relationship sa chismis. chismis nga e. usually hindi totoo. pano kung si mapalad na nakatira sa skin e malikot pala kamay, tapos nung nahuli ko pinaalis ko. tapos sayo pala nakahanap ng matutuluyan. sa tingin mo kelangan ko ba ichismis sayo na malikot ang kamay ni mapalad? or wag ko na lang ichismis kasi makakasira lang sa relationship namin?
there's nothing wrong with telling the truth. because the truth shall set you free. lol