I've been thinking the past few days kung bakit kaya not equivalent yung PH degree sa AU degree. According to my research (so far), yung accredited Australian qualifications kasi nila is Master of Architecture lang, which requires a total 5 years of study (3 years Bachelor of Design in Architecture + 2 years Master of Architecture). Yung sa PH degree kasi natin 5 years total nga, pero may mga kasamang minor subjects like English, Theology, Rizal, General Psychology. Hindi sila kasama sa bilang ng credits yung mga minors, kaya kulang talaga yung credits in Architecture na pwede i-claim during AACA assessment. 🙁