@iamjin <blockquote class="Quote" rel="hard2handle"><blockquote class="Quote" rel="axln">Fyi, no need to attend PDOS ang returning resident. Kahit na recently lang naging PR.</blockquote>
Hi Axln, pero umuwi ka ata hindi ka pa PR diba? Magtatanong din ako sa mga friends namin. Pero kasi yung sabi sa amin nung um-attend kami, pag-aalis ka ng bansa at you carry a PR Visa, then you will need to attend PDOS. Pero kung may kakilala ka na di na talaga ni-require to attend PDOS before leaving Pinas after gaining PR dito sa Aus, mas maganda nga talaga yun.
</blockquote>
Uuwi ako pinas next month so I want to make sure walang problema pagbalik ko dahil sa PDOS. Para sigurado, I have reserved and registered online for the PDOS seminar on March 7, 2017. Pagkareceive ko ng confirmation from CFO na nakareserve na ako sa March 7 seminar, nag email ako sa kanila kung kailangan ba talaga akong mag attend ng seminar considering I have been living and working here in OZ for almost 3 years. Wait ko na lang email ng CFO.
Based kasi sa thread na pinost ni @hard2handle, mukhang hindi na kailangan ng PDOS seminar pero kailangan pa ring magpunta sa office ng CFO para sa sticker.