<blockquote rel="ledzville">@moonwitchbleu if i may add, 0-4 years old medical exam lang like sa eyes, ears, and mouth, then check ng heartbeat pero wala ng urinalysis. May 3 year old din kasi ako at sa NHSI din kami nagpamedicals. Madali lang maupload pag medical exam lang kasi wala na yung mga lab tests na usually cause ng delay sa mga results.</blockquote>
Thank u for this info @ledzville. We went there earlier today with the baby. Ang daming tao super, yung iba taga mindanao pa daw yun. And di nila in.entertain yung baby ko kasi daw 15 lang ang ma.memedical today. Wala man lang priority for the babies and seniors?! Tapos na mention pa nila na yung list nga daw for tom. Full na din and umabot ng 19, 15 lng daw pwde, so we asked them kindly if pwde ba isali nalang yung baby namin, kasi nakakastress din sa baby binabyahe ng malayo tapos di naman din ma medical because of limited slots, ayun sinigawan kami,nagtaray sila. Ang akin lng kasi sabi nila sat. na talaga kami dapat bumalik, what if maglilista na naman sila tom. for sat. na sched? Wala na naman kami sa sat. I thought first come, first serve yung clinic nila, bat may listahan sila? And i thought SOP sa pinas yung prioritize seniors and children? Hay naku, sana lang talaga ma medical na yung baby ko on sat. Para naman di ko na makita pagmumukha nila :-| kung pwde nga lang lipad nalang kami ni baby sa sg para magpamedical,mas matino kasi yung mga tao sa clinic ng sg, kaso di ko naman kayang bumyahe with baby kung ako lang mag.isa π