Sharing my experience
Nagpaappointment ako 7am. Magulo sa labas akala ko may pila, don't follow the line kasi magkakaibang country kayo, also may mga nandun na kahit late pa ung mga appointments nila.
Then 15 minutes before the scheduled time, lapit kayo sa guard paentrace para papasukin kayo. Madaming guard sa loob para iassist kayo according sa sched and country nyo.
Then papapasukin kayo sa area ng booth. May pila po dun, tatawagin kayo via counter and kung saang booth kayo papasok. Mga 7am or pass ng konti ako nacater then 7:30 natapos. Mejo natagalan sakin dahil may problem sa daliri ko.
Tinanong ko ung nasa booth gano katagal bago maemail. Within 24 daw makaka receive ako ng email na tapos na ko sa biometrics and naipasa na nung nasa booth ung biometrics ko mismo sa aus immi.
Ung sa mga naka 2h experience po dahil sa pila, baka po ung sched nila later than 7am kaya mahaba na pila.
Kung may kasama po kayong matanda, pls assist them kasi mejo kawawa po pag di nila alam gagawin.