@era222 said:
Naghahanap lang ng inspo, libre mangarap! 😃 Anyone here who successfully owned/bought/built a house sa Oz? Based sa listing na nakikita ko, it costs at least AU$1M and wanted to know if achievable ba sya, kaya talagang mapagipunan at maafford.
Hello po. Dec2020 po kami dumating ni hubs dito sa Sydney. Nakakuha po kami ng off the plan na 1br+study unit sa Bankstown, 5mins away from the station. 463k, 5% deposit siya. Nagconfirm agad ako sa agent pagkabasa ko ng PR grant letter. Di na namin inisip yung possible na akyat or baba ng interest as long as makalabas agad sa pagrerent. Ginive up namin yung hulog sa ilang properties sa pinas at dito na lang nagfocus. Sakit din kasi sa ulo ng mga SPA. 5k lang talaga ang cash namin ni hubs (naubos funds sa PR visa 🥲) Lakas loob na kumuha ng 1yr loan para mabuo yung 5%. Sabi ni broker no problem daw yun kasi more than 1yr pa naman before settlement. I suggest kumausap po kayo ng brokers para ma assess yung borrowing capacity nyo and to see how soon you can get a property, libre naman ang service nila. Natakot din ako noon sabi nila mahirap o kaya more than 5yrs bago makakuha. Kaso sobrang taas ng rent ngayon, need na makaexit 😄