Magandang araw,
Itatanong ko lang po sa mga nakapag-renew ng lisensiya mula rito kung paano ang proseso.
Ayon sa embassy website kailangan kong ipadala sa authorised rep sa Pinas ang mga sumusunod:
Letter of Authorisation, notarised
Photocopies of passport info page, visa page, last departure from PH, last arrival overseas
Photocopies of expired licence and receipt
Yung #1 puwede na sa consulate, e.g. Sydney PCG?
Yung #2 kailangan ba talaga yung visa, departure, and arrival pages? Wala namang visa and arrival stamps ang Australia.
Yung photcopies ba kailangan notarised din?
Maraming salamat po!