@erinp said:
@tigerlance said:
@intdesigner_arki said:
Super thankful sa thread na to. Napaka informative for us na may 5 months pa til #bigmove. Ang dami pala din need asikasuhin like medical insurance, house hunting and job hunting not to mention yung actual na pag lilipat (we're moving from sg).
We're planning to rent airbnb muna for 2-4 weeks while maghanap ng job and house. Sasama din daw parents ko as tourists to help us settle in (sabay gala na daw) haha. But really, sabi nila at least daw makatulong sila to look after our son while busy kami ng husband ko naglilipat and all.
Curious lang po, anyone here na nag big move with a toddler? Baka naman may tips kayo mag momshies & papshies haha.
- Isama sa cover letter na magaalaga sila ng bata and yung reason, then kayo magsponsor ng lahat ng needs niya. Very important ito.
- Gawan niyo rin ng itinenary yung gagawin nila dyan like tourist spots etc
- Ang importante ay kumuha kayo ng best medical insurance sa mom and dad mo. Ang mahal ng medical fees dito pagnagpaconfine ang walang medical insurance dito.
- Bank Certificate - dapat annual daily average. Meron silang chinecheck na figure dito. Hindi yung biglaan nagkaroon ng pera. Red Flag yun.
- Visa sa previous passports. Maganda rin kung kasama sa OECD countries.
*. Diploma/toga/academic transcript/ pictures/ yearbook - hehe joke lang po. Makakalabas ka nga sa Pilipinas ito as a tourist pero dito sa Australia pagsususpetsahan ka naman na magwowork.
@tigerlance Same pala kami ng concern ni @intdesigner_arki . For the bank certificate, should it be the parents' bank certs or our (sponsor's) bank cert? And if their purpose is to look after the kid for 3 months for example (usual stay for tourist visa), ano po ung pwedeng ilagay sa itinerary? Thank you. 🙂
Kung kayo magsponsor, I guess ipakita niyo yung sa inyo, annual average daily allowance. Dati kasi nagpakita ako ng passbook, yung laman ng account ng bank, parang naquestion pa, Mas okay yung annual average daily balance para di nila pagsuspetsahan na bigla lang nagkaroon ng pera.
Simple itinenary lang syempre kung tourista naman mas realistic naman ito ang schedule ng pagaalaga then sa weekend papasyal kayo sa ganito. Di naman para sa AU, para sa immigration rin sa Pilipinas na sobrang makatanong kung aalis ng bansa hehe
Kung meron naman pera ang parents, na ipapakita rin yung bank certificate eh di maganda, the more evidences you have, maganda. Malay mo, bigyan kayo ng exemptional case na 1 year multiple