@jinigirl said:
@tigerlance said:
@emzkie said:
Hello. ok lang po ba mag purchase ng AU e-sim while still outside AU? may nakatry na sa inyu? I have not checked thoroughly the requirements though, if like need ng Au address & etc.
Maactivate mo siya pagnandito ka na kasi di pa siya nakaroaming.
You need passport, and au address kasi ireregister mo muna siya bago maactivate yung sim card mo.
Pwede siya pero, pagdating mo sa terminal sa sydney, free naman ang wifi, then magregister ka sa online, iattach mo ang passport, and intended address, after 1 hour mo pa magagamit yung phone mo.
Gamitin mo nalang muna ang messenger and phone features sa FB para tawagan yung susundo sa iyo.
Bago ka aalis sa Pilipinas tip lang, yung phone niyo nareset niyo na, Australia na dapat yung country sa smartphone niyo. Kasi meron di maaccess na apps na nakarestrict lang sa AU.
Example: Maccas and marami pa na di ko natandaan. Pero kung nagawa niyo na ito, di niyo narin magagamit yung apps sa Pilipinas example: Food Panda
gumagana po ba yung gcash pag australia na yung country, or yung mga native banking apps na meron dito sa pinas? or totally ba icloclose niyo na dapat yung bank accounts niyo bago yung BM?
Pag meron ka isang backup phone na nakaroaming yung philippine sim mo, and nakalocation na Philippines, gagana ito. Basta napagana niyo na yung app dyan sa Pilipinas and naregister niyo na no problem. Example BDO and BPI. Dapat may load ah pagpunta mo dito and nakaroaming, para magsend yung OTP. syempre nainform mo rin yung banko na magabroad ka na.
Example: Pag tinanggal mo yung app na Lazada habang nasa Pilipinas, then idownload mo ulit pag nandito ka sa AU, hindi na siya magproproceed yung delivery mo. Something is wrong ang lalabas. May mga naka geo-location lang na app na nagwowork lang sa Pilipinas
Cons: di mo magagamit na app na MyGov sa phone. MyGov app if iphone requires ios 15 or better then nakaset na location ay australia.