@bartowski said:
Kamusta po sa lahat,
May tanong lang po ako sa mga nakapag-BM na lalo na po dun sa may mga anak na. Noong na-grant po ba kayo at nagdecide na mag BM na, kasama niyo na po ba yung family niyo? Or yung primary applicant po muna then tsaka po sumunod un family niyo? Kung sinama niyo na po yun family niyo, saan po kayo nag-rent?
Nakausap ko po kasi un Pinsan ko sa AU. Sobrang hirap daw po kasi ng status ng rentals ngayon. ipipila pa daw yung application mo bago ka makapag-rent and besides sa pila is kelangan may work kana bago ka makapag-rent ng bahay dahil isa sa mga requirements is COE and/or Payslips. Kaya ang suggestion nila is mauna ako pumunta dun, kasi ako din naman yung primary applicant, then sumunod un famliy kapag settled na ako. Meaning may work na and nirerentahan na bahay.
Although dipa naman kami granted pero nadagdagan lang po yung isipin, bukod sa paghihintay ng visa grant, kasi ang hirap po mahiwalay sa family.
Really depends sa situation ng family. But in our case, buong pamilya na kami lumipat dito. Kasi un nga, ayokong mahiwalay sa knila. No. 2, may mga kaibgan kaming nagpatira samin dito for a month para makahanap ng house. And no. 3, mas madali kmaing nakasettle kasi andito na kami. Lahat ng mga need asikasuhin madali na kasi andito na.
Im not really sure how hard it is to find house. Pero we found our home dito sa suburb blacktown. Baka sa city super hirap makahanap. Kasi halos lahat gusto tumira dun. But we prefer dito kasi tahimik at almost everything can be driven, and ung parking lots most of the time free for upto 3hours.my husband work sa city, so he just drive to any park to ride na train, then sasakay nlng siya ng express train. Basta magamit mo ung OPAL card mo sa tren, libre na parking mo for the whole day.
Yung house namin, nag viewing kami ng Saturday morning. We send our application Saturday afternoon. Monday morning, approved na kami. When u apply, iready mo lahat ng need nila.
I remember sending my bank account with my funds on it. I also sent numbers of the agent na natirhan namin sa Singapore, so they can prove na maayus kaming tenant. They also asked our occupation, and how many kids we have. What age ung anak namin.