Sharing our big move experience:
Cebupacific airline namin dahil dun yung pinakamalaking check-in baggage na nakita ko. 64kg each kami with my wife and daughter. Bali 192 kg yun. 8 duffle bags at 2 maleta. Yung nasa website nila na 1 bag each sa 32 kg baggage ay hindi na updated. We used duffle bags kasi nasa 5kg din halos yung maleta namin unlike duffle bags na negligible na yung weight. Sinulit namin yang baggage allowance namin para di na kami magpa ship ng gamit. Sobrang dami nga lang talaga naming dalang gamit pero kinaya naman.
May 3 - Flight to Sydney
At the airport, tinanong kami ng IO kung resident and we said yes (visa 189). Di kami hinanapan ng Pdos at e-travel card. The flight schedule was smooth and on time. Malaki yung plane ng cebupac, yung may middle aisle. Yung ibang passengers nga ay nakahiga pa sakop yung 3 sits during the flight. First time immigrants need to pay travel tax.
Sa Sydney airport may free wifi pero di sya abot dun sa may airplane apron. May 2 pila ng taxi, one for sedans and another one naman ay mga airport vans. Syempre sa van kame, Nakitira kami temporarily sa isang friend in Parramatta area.
May 45 - Simcard, bank, tfn, medicare, centrelink, email Bupa
One week before flight nagregister na kame sa Commonwealth Bank, then nagpunta lang kami sa branch to activate the account. Mabilis lang yung process at magkakaroon ka kagad ng bank account na pwede na pasukan ng pera. I used Wise app tapos si wife ko naman nag bank to bank (Singapore bank to Australia). Nagtry din kami mag withdraw ng cash sa atm dito sa AU using our SG cards. I would say the best rate ay yung sa Wise (not to mention yung speed ng paglipat ng pera) , tapos yung sa bank to bank di naman sobrang laki ng rate difference kaso almost 1 day bago macredit yung pera. Mas lugi yung pag withdraw ng cash sa atms. Yung atm card 1 week to 2 weeks pa bago madeliver sa address. Hindi pala kami nagdala ng cash, so withdraw lang sa Sydney airport ng konti tapos puro Visa na pinangbabayad namin sa mga transactions.
Sa mall kami bumili ng simcard (Coles), mabilis lang sya iactivate at may guide naman. Opal card sa 7-11 kami bumili, pwede na sya for buses and trains. Download the Opal app dahil sobrang useful lalo yung map niya.
Nagapply na rin kami ng Tax file number (TFN) at medicare which is online lang naman kaso di sila makukuha kagad. Centrelink naman makakapply pag may pag gagamitan na daw, so hindi na muna kami nagapply. Nag email na rin kami sa Bupa para sa health undertaking 815.
May 68 - house hunting
House hunting kami nito, just book as many viewings as you can basta make sure na kaya ng time mo and try to register na rin online kung kelan ang schedule ng open viewing. 15 minutes lang tinatagal ng viewing. Gumawa ako ng list ng mga iinspect ko per day, including the price and number of rooms etc. After the inspection may link on how to apply, just upload as many documents as you can. Bali kung mag-asawa, gawa kayo ng tigisang application using the link na binigay at automatic na mag-link din yung application niyo.
May 9 - House rental application approved
Tinawagan ako ng agent at sabi na pinoprocess na daw yung application ko, nag add kami ng 1020 aud sa weekly rent and I think it really helped sa rental application namin. Also madami akong tinanong sa agent at nakipagkwentuhan na rin. Sabi ko na I just moved in to AU, at nagttransfer palang kami ng pera kasi may daily limit yung transfer. Okay naman daw iupload yung overseas bank statement. Within the day, pinag transfer na kami ng pera para sa deposit para mareserve na yung unit. Bali 1 week rent muna, then 1 month bond na babayaran sa rental bond online (rbo), tapos 1 week rent ulit upon signing ng contract and collection of keys.
May 10 - First day of work
Meron na pala akong employer prior to the grant. Originally mid ng May ang start ng work ko pero sabi ko I can start earlier. Flexible naman sila.
May 11 - House rental signing of contract
It took us less than 10 minutes sa signing. It was quick at nakuha na agad namin yung susi. Ang una naming binili ay mattress para pwede na kami matulog sa new house. Bali nagleave muna ako sa work for this.
Slowly, bumibili na kami ng furnitures and appliances and hopefully makumpleto na ang gamit namin soon. Merong Ikea, Fantastic Furnitures, kmart at Amart. Sa ngayon, UberXL ang gamit namin dahil wala pa kaming sasakyan. Required ang car seat sa child hanggang 7yo. Ang lamig dito sa Sydney. Hindi kami nag aircon sa gabi at sarado pa ang bintana pero sobrang lamig parin. Parang centralized yata aircon dito ngayon.
We are very happy and overwhelmed sa bagong journey namin as a family. Thank you sa group na to dahil sobrang laking tulong ang naibigay niyo sa amin.
Ate @ga2au, dito rin kame sa Blacktown nakakuha ng bahay. :smile: