@Unsullied_06 said:
Hello everyone.
Share ko lang sa mga recent visa grant holders especially yung mga under Engineering occupations na bagong dating sa AU o nagbabalak mag-big move soon.
Mahirap humanap ng work pero ito yung mga ginawa ko na sa tingin ko nakatulong sakin sa job hunting na sana eh makatulong din sa iba.
Tip 1: Gumawa ako ng account sa Seek, Indeed at LinkedIn at inayos kong mabuti yung profile ko sa mga sites na to. Better kung comprehensive lalo na yung sa work experience part since wala ka pa local experience.
Ang ginagawa ko pag weekdays ini-isaisa ko lahat ng job ads tapos inaapplyan ko isa-isa. Hassle lang talaga sa una kasi cinucustomize cover letter. Pero laban lang kasi mahirap talaga maka-land sa 1st job na same ng BG mo sa Pinas.
Ang nangyari sakin pagkatapos ko ayusin profile ko may cumontact sakin na mga recruitment agency na may mga ka-tie up na AU companies. Kahit di ako nag-apply dun sa iba pero nung nakita daw nila profile ko sa sites na yan tapos may eksakto may hawak silang job openings sa companies na match sa BG ko kaya nag-reach out sila. Yung recruitment agency din na to yung tumulong sakin para makaconnect dun sa company kung san ako nahire ngayon.
Tip 2: Iwasan mag-self reject sa job application.
Kahit feeling mo di mo nameet lahat ng criteria pero dun sa iba eh pasok ka naman mas okay applyan mo na din wala naman mawawala.
Yung napasukan kong work ngayon 60% dun same ng work ko sa Pinas pero yung other 40% eh talagang no first-hand experience pa ko dun. Kaya nung interview nung tinanong ako ng manager sinabi ko theoretical knowledge palang ang meron ako dun sa other 40% pero willing naman ako pag-aralan.
Ang ending naappreciate ng boss ko na naging honest ako kaya hinire daw niya ako tapos nagprovide sila training para matutunan ko yun.
Tip 3: Recruiters are NOT looking for a perfect candidate
Medyo madami na ako naattendang interviews bago finally mahire at masasabi kong mas gusto nila yung spontaneous at honest answers. Nashare din to samin ng 1 speaker sa inattendan kong event ng Engineers Australia. Nung una nacoconscious din ako sa grammar ko until marealize ko na mas appreciated nila na parang conversational lang at relaxed yung flow ng interview. Di big deal sa kanila na magkamali ka okay lang na icorrect mo pag alam mong may mali kang nasabi at least di lalabas na mukhang scripted sagot mo.
Additional Tip:
Umaattend ako ng events organized by Engineers Australia. Pag di ka pa member, magbabayad ng 10 AUD per event pero para sakin sobrang worth it nito. Naka-attend ako ng 2 events nila. Yung una eh mock interview workshop applicable sa AU setting tapos yung pangalawa naman eh Understanding business culture. Yung mga speakers eh respected people na sa AU Engineering field. Masasabi kong madami kong natutunan dito na nakatulong sakin para mahire tapos ang dami ko pa bagong nakilala na ibat ibang nationalities tapos in-add ko sila sa LinkedIn kaya unti-unti lumalawak connections. May mga naging bago kong kaibigan tapos ang ginagawa namin nagpapalitan kami ng mga nakikitang job openings na applicable sa BG ng isat isa. Ang maganda pa eh may sub-unit yung Engineers Australia na Sydney Migrant Engineers group na tumutulong sa mga migrant engineers para maovercome yung challenges pagdating dito lalo na tungkol sa job hunting pero may mga technical din na seminars.
Hopefully makatulong to sa mga naghahanap o maghahanap din ng work dito.
Good luck mga kabayan!
Nice insights actually eto dn advise ng mga ibang kaibigan ko na onshore na. Struggle talaga mghanap pero be honest relax lang at sympre make all the necessary preparations. Pati dn pag-attend ng events ng EA even ng local community. Need to do networking talaga malakas ang impact ng referral on most occassions.