@charliemmdz said:
hi po ulit, sa mga recently lang nag-BM from Pinas - pa'no n'yo dinala initial funds n'yo?
a. nagpapalit na ba kayo AUD dito, if yes saan po, 10k AUD na ba agad pinapalit n'yo?
b. nagdala USD and palit na lang sa airport pagdating?
c. international wire transfer from PH bank once maopen na bank account d'yan? if yes, ano bank n'yo dito?
worry ko kasi na baka 'di ko maaccess account ko d'yan 'pag 3rd option gawin ko. hirap din pala 'pag mag-isa hehe. thank you!
Hey, matagal na ko lumipat so outdated na siguro to. pero sagot na lang ako para may kaunting guide ka.
a. nagpapalit na ba kayo AUD dito, if yes saan po, 10k AUD na ba agad pinapalit n'yo?
- Ako hindi. wala akong dala na AUD. USD lang dala ko na cash
b. nagdala USD and palit na lang sa airport pagdating?
- di ako nagpapalit sa airport. actually the next day na ko nagpapalit. may dala akong credit card, lahat naman kay ng credit card dito.
c. international wire transfer from PH bank once maopen na bank account d'yan? if yes, ano bank n'yo dito?
- Yes, CBA bank ko. nag wire transfer ako, even bigger amounts, like 2 or 3 yrs ago ata, mga 6digits na AUD amount nag wire transfer ako pang down ng bahay wala naman naging problema. CBA pinaka mababang fees sa research ko.
And to add, nung dumating ako, may dala din ako cheque book. so nag deposit din ako ng cheque nung kailangan ko ng pera, wala naman naging problema. inamin ko din sa immigration nung pag dating ko na may dala ako around 10 blank cheques pang emergency since may limit ng amount ng cash na puwede dalhin, wala naman naging problema.
sana nakatulong. good luck