@dreambigdreams01 said:
Hello. Question lang sa kaka big move pa lang (yung may visa na at nagiipon na lang para sa big move) and nag apply online sa mga app like seek. Na hire po kayo through online job interviews? Or gusto pa din nila na in person iniinterview?
And kelan kayo nag start mag apply for jobs? For example 1 month before date ng flight nagpasa na kayo applications? Or sa australia na ba kayo talaga nagstart maghanap?
Just want an idea ano ung usual setup ng jobseeking process sa AU. Haha
There's no harm in trying. You can try online, but based on xp, mas preferred nila f2f interview.
Mabilis yung hiring process dito sa Oz, pag na-shortlist ka, i-bobook ka agad for interview or other pre-employment requirements. Halos in a span of a week or less may job offer na.
Some tips:
Kung PR, meron mga agencies like jobsvictoria, etc na tumutulong na mahanapan ka ng work.
Yung mga company dito usually naghihire thru staffing agency like Hays, Randstad etc. Pwede ka ring dumirekta sa mga employment agencies like such. Kung naghahanap ka ng work, aba, naghahanap rin sila ni i-oon-board sa mga clients nila. Hehe. Pag perfect match, i-rerefer ka nila.
Umattend akong seminar sa council sa unang suburb na tinirhan ko, ang sabi dun, last resort ng mga company ang pool ng online applicants. Referral and network pa rin ang number one source nila ng hiring. Sooo, build your network. Have someone who can vouch for you. Habang wala pa, work on your CV. And tailor it for EVERY job that you are applying for.
GUMAGAMIT SILA NG SOFTWARE. So pag yung CV mo is mababa ang match dun sa job post nila. Ekis na agad. May certain % match silang hinahanap para ma-shortlist ka. Kaya kahit 1000+ CV pa yang pinasa mo kung generic naman, slim chance. Hope this helps.