@mjp19 said:
Hello mga kabayan, magask lang sana ako sa recently na nag Big Move na PR. Sa case kasi namin wala talaga kaming kakilala sa Melbourne. End of April na ang flight namin and naka airbnb kami ng 1month. Tanong ko lang, ano pong address ang ginamit nio sa pagaapply nio ng bank accounts,TFN, medicare..etc? Hindi ko kasi sure kung iallow ba nung aribnb namin na gamitin yung address nila in case may mail na mga cards or documents like sa medicare na nakikita ko na 3-4weeks isesend nila yung cards. Sana po may makasagot, mejo kinakabahan ako dahil wala pa kaming permanent na bahay at wala talaga kami kakilala sa Melbourne. Maraming salamat po.
Hello, kakaBM ko lang po 3.5 weeks ago. Natry ko po maglease ng PO Box from Australia Post.
Bale gumawa lang po ako ng account sa Australia Post website: https://auspost.com.au/mypost/dashboard/
Tapos naglease ako ng PO Box via the website. 12 months po yung lease tapos around 250 aud (price will depend sa type ng PO box).
On the day of my arrival, pumunta ako sa Australia Post office branch kung san located yung PO Box ko for ID verification (passport lang) and para i-claim yung keys sa PO Box.
Nagamit ko yung PO Box as postal address sa bank, TFN, and Medicare. Natanggap ko na yung galing sa bank and TFN. Waiting for Medicare na lang.
Hindi na din ako nakapili ng Airbnb na may access to mailbox kasi biglaan lang na nagkajob offer nung Feb so kinelangan na magBM nung March kaya yung PO Box option na lang ginawa ko.