<blockquote rel="StickyNote">@bananapeel mahirap na po ba buhay ngayon diyan? Nakaka-worry tuloy. Kahit nandito pa kami sa Pinas eh sinusandan ko na din political scenes diyan. Sana manalo ang karapatdapat. </blockquote>
hello. i don't want to dampen your spirits. maganda pa din dito compared with the life in the philippines. pero madami ng changes and it keeps on changing. sa benefits na lang madami na nagbago kumpara years back. like yung mga baby bonus lumiit na ng lumiit. yung first home grant, dati kahit anong property ang bilin mo basta first time home buyer eligible ka. now, for new construction na lang. yung mga ganun. sa employment naman, madami ng jobs ang inooffshore going to India and Manila. Madami na ding nagsasara like Ford, Holden. I work with one of the biggest insurance companies here as a perm employee, we're in 47 countries, dati 14000 employees. since 2011, inoffshore na unti unti. the most recent one, ang Finance where I belong, pero before the announcement, nakakuha ako ng secondment role in one of the subsidiaries. Kaya nung magannounce ng redundancy, inoferan agad ako ng perm role so di ako naredundant. majority ang operations ng Finance, dinala na sa Manila. Pano 1:7 ang ratio. salary ng 1 tao dito, para sa 7 tao sa manila. based on reports nasa AUD250M ang savings. Pati ang IT namin, halos Manila na rin lahat. Di pa tapos ang transformation, till 2015 daw global. one former colleague sa Finance, walang makuhang job sa Sydney kaya nagmove sa QLD. kahit sa retail affected. tama ang nabasa ko last year, baka in 5 years, extinct na ang accounting dito ๐ ang magandang work yung di pede iofshore like nursing aides, teachers, home carer etc. tumawag ka sa phone companies ang sasagot sa yo Pinoy kase call center nasa pinas na din. Even banks. Here in Sydney, masyadong mataas ang cost of living. median price ng properties going to 700k na. kaya sabi sa news, marami ang forever renters na lang kase di afford to buy. sorry but this is what is happening. pero sabi ko nga, mas maganda pa din dito. i had my triple heart bypass last year, wala akong binayaran. me private insurance ako kaya naka private hospital ako pero kahit wala sagot pa din ng medicare public hospital nga lang. tama ka sana manalo ang karapatdapat para gumanda ang buhay dito. sorry kung di masyadong good news ha... pag nagsearch naman kayo, malalaman nio din ang reality....
kaya kung anong meron ako now, ok na ako. kahit di masyadong mataas ang pay, ok lang. my office is 8 mins away from home. dati sa city ako. enjoy ko na lang while it lasts. anyway, i'm single, my 2 kids are both grown ups. at least walang pressure ๐