Hello mga kababayan! Bubuhayin ko lang po sana itong thread na ito. Mostly po sa docs ko dito sa AU like drivers license, ahpra registration, police check, coe’s ko is kasama ang middle name ko pati sa EOI ko. Ngayon po sa mga previous grants ko hindi ksali ang middle name ko. Idagdag pa natin na nag fifill up nko ng form 80 at 1221. Isama pa natin ang birth certificate ko na sa may bandang middle name ko is middle initial lang ang nilagay sa akin. (Imbis na Guillermo, G lang ang naka indicate).
Isa pang iniisip ko is yong names ng parents ko sa Birth Cert ko. Ang mother ko is middle initial lang din at hindi naka spell out ang middle name niya. Ang sa father ko naman walang nilagay na middle name kundi first and last name lang.
Ngayon po hindi ko alam kung ano isusulat ko sa form 80 kung isasali ko ang middle name ko sa info at may part doon na nagtatanong about previous visa grants at ano yong name upon entry, which is yong mga previous grants ko walang nakalagay na middle name ko.
Also sa name ng parents sa form 80 tinatanong din so hindi ko po alam kung susundin ko ba ang pangalan ng parents ko na nasa BC ko or ilagay ko pa din ang buong pangalan nila (First, Middle and Last Name) kahit hindi tugma ang mga middle names nila sa BC ko.
Salamat po!