Kung gusto mo pumunta sa Australia to work, kailangan mo ng either skilled immigrant visa (189, 190, 491) or a work visa (482, 186). Either way, kailangan yung nominated occupation mo nasa Skilled Occupation List. Pwede mo tignan yung skilled occupation list dito https://immi.homeaffairs.gov.au/visas/working-in-australia/skill-occupation-list
Para ka maconsider na skilled in your nominated occupation kailangan makakuha ka ng positive skills assessment. To get this, usually inaassess both yung educational qualification and work experience.
With regards to agents, meron migration agent and meron education agent. Baka puro education agent ang kinakausap mo kaya student visa ang nirerecommend nila. Kung migration agent ang kausap mo and student visa rin ang nirerecommend nila, siguro nakita nila na baka wala ka pa sa stage na makakakuha ng positive skills assessment. Pwede mo naman silang tanungin kung bakit yun ang recommendation nila.